Results 1 to 10 of 70
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 51
August 28th, 2012 11:22 PM #1Please help me to choose what is right car for my hard earned money.
Hirap mag ipon. kaya sana yun mabibili ko di masyado maging sirain. Right now, my budget akong 120-160k para sa pambili ko ng car. 2nd hand please!
kaya lang malaki ang problema, wala akong alam sa car at nalilito pa ko sa mga model at series nila. :confused:
pero nag simula na ko mag basa2x. mabuti na lang meron forum na tulad nito. :grouphugg: ayaw ko mag madali sanaayaw ko mag padala sa emotion ko dahil sa sobrang kasabikan ko na makapag drive.
gamitin ko pang pasok sa office at pang pasyal. baka meron kayo maibibigay na mga modelo para eto ay aking matutukan at makakadagdag sa akin mga pagpipilian. sa loob ng 2 araw na aking pagiikot ikot sa mga showrooms/ individual seller. eto ang akin mga nakita
Honda 96 VTi AT (top of the line daw eto sabi ng seller) 160k. ng itest drive namin smooth! malamig ang aircon. ngunit wala akong kasama na mekaniko dahil wala akong kakilala na pwede ko isama :sad:
Nissan Super Saloon pasok na pasok sa budget ko to. di ko lang alam kung ano ba dapat pillin na series.
Toyota - masyado madaming model litong lito akoat kakatako dahil mga ex taxi
please po paki tulungan ako. salamat!
I am looking for:
Fuel Efficient
maporma kahit kaunti lang yun babagay sa pang 24 yrs. Old
madali makahanap ng piyesa na di masakit sa bulsa.
at makakatagal
-
August 28th, 2012 11:30 PM #2
Sir, ang alam ko para sa mga dating ex taxi na private na ngayon may "H" sa plate number.
-
August 28th, 2012 11:37 PM #3
Tama ang ginagawa mo, wag magmadali at magbasa ng magbasa at magabasa..
Bro isipin mo na lang more than ten years old na ang mabibili mo. Stick to manual tranny pag second hand kukunin mo. Toyota corolla, lancer singkit/hotdog, honda city Z, nissan ok din 3rd series ata yun, yan ang swak sa budget at tipid sa gas.
Pero advise ko simulan mo din muna maghanap ng mekaniko, kaibiganin mo para matulugan ka niya. Siya lang makakaamoy ng sira ng sasakyan para sayo..para makaiwas sa mga good time ng ibang seller.. Kung may kakilala ka or kakilala ng kakilala mo na ngbebenta ng auto mas ok yun. Kung budget mo 150k, have a extra 10k in case may aayusin, pag sinabi ng mekaniko na mas mataas pa sa 10k ang magagastos mo sa pagpapa-ayos, maghanap ka na ng ibang unit...wag magmadali bro..
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 51
-
August 28th, 2012 11:40 PM #5
Hmmm..ang alam ko kapag ex taxi or naging puv before ginawang private.. Ung starting ng plate number niya parang may diamond shape...
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 51
August 28th, 2012 11:41 PM #6Bro ano ibig sabihin ng Stick to Manual tranny? oo sana makanap ng mekaniko. more than 10 yrs. na e kakatakot pero wala pambili ng brand new kaya makikipag sapalaran muna sa 2nd hand.
paki comment yun nakita ko na Honda Civic VTi AT96 - 160K pwede na ba to? 1600 engince displacement fuel efficient ba to bro?
-
August 28th, 2012 11:48 PM #7
Manual transmission... Ung nakita mo na vti, ok yan but again automatic yan at 1996 model.. Yan yung first car ko nung college, wala akong naging problem pero after 10 years, 2006 binenta ko na.. Nakakatakot kasi masira ang automatic bro.. Masakit... So 16 years na yan to date.. Hanap ka pa ng iba... As much as possible manual kunin mo...
-
August 29th, 2012 02:59 AM #8
kung hindi mo naman kilala yung nagbebenta mahirap makipagsapalaran check mo din kung gaano na kalayo ang tinakbo baka mamaya nakarating na yung oto sa moon.. at huwag ka masyadong magpapapaniwala sa mga showroom magagaling na sa salestalk at pambobola yang mga yan dadaanin ka sa linis at sa kinis ng unit nila pero meron namang maganda kausap at kadeal.. huwag ka lang magmadali sa pagbili ng oto..
kung may makikita ka na tipo mong oto mas maganda kung all-stock ang kukunin mo tapos ikaw na lang ang magpapogi unti-unti mas mageenjoy ka.. just my 2 cents..
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 51
August 29th, 2012 09:54 AM #9mga dapat po ba 100-150k odo? yes tama ka bro naghahanap talaga ko ng all stock. yun VTi na nakita ko All stock kaya lang tama yun sabi ng isa naten kasamahan dito 16 yrs. na sya at nakakatakot talaga kapag automatic ang nasira sabi ng Tito ko. pero bakit ba masama masira ang mga Matic.
ano masasabi ninyo sa KIa Picanto? may nakikita ako na 185k 04 MT.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2012
- Posts
- 51
August 29th, 2012 09:55 AM #10
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines