Quote Originally Posted by jeiramor77 View Post
Hi po! Problem ko itong nabili kong vehicle, may nakalagay na "ENCUMBERED" sa COR, year 2002 pa at nakapangalan pa rin sa original owner. Walang deed of sale mula original buyer to 2nd buyer, pero merong DOS between 2nd and 3rd pero not notarized. Now, meron kaming DOS ng 3rd owner.

1. Ano ba dapat kong gawin para sana maipangalan ko sa akin ang vehicle? Mahihirapan na akong hanapin pa ang original owner since 7 years ago pa yung date ng COR nya.
2. Okay lang bang iparegister ko na lang yearly yung sasakyan at di ko na patanggal yung "Encumbered" sa COR? Medyo magastos at mahabang proseso pa kasi. Tutal wala naman akong balak ilabas ng EDSA ang sasakyan, pang-nearby lang kung baga.
3. Ano ba disadvantage ng situation na ito sa akin? Ano pa po ba ang magiging problema ko kung sakali?

First time ko lang kasi bumili ng vehicle, second hand pa, di ko na-check mabuti ang COR.....haaaay, lesson learned
Meron kang problema.

Kelangan mo ma verify if tapos na ang ammortization ng unit. Pag full paid na ito, kelangan mong i-cancel ang chatel mortgage nito sa registry of deeds. Kelangan mo din ng deed of sale from the 1st owner to the person who sold you the unit. Pag wala ka nito hindi ma transfer ang ownership.

Wala naman kaso if you don't transfer the ownership, kaso lang legally sa papeles hindi sa iyo ang auto dahil naka-register pa ito sa 1st owner. Ayusin mo na lang ang papers and hopefuly you learned a lesson na i-check ang papers before buying. Good luck.