Results 11 to 15 of 15
-
March 25th, 2012 09:04 PM #11
Hindi City 1.3MT pero City 1.5E siya. Overall, better siya sa Vios interior and exterior-wise. Mas feel ko yung plastics sa loob ng City, tingin ko mas solid. Hindi pa ako nakaka-sakay sa automatic vios pero yung automatic ng City, maganda ang response.
Ang ayoko lang talaga sa City yung headlight, ang hina ng buga. Hindi katulad sa Vios, it's more than enough.
Pero sa sinabi mong situation, mas perfect sayo Vios. Pumapalo ng 22km/L yun sa highway. Yung City 1.5L naman, city-driving with frequent hataw 11km/L
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Mar 2012
- Posts
- 5
March 25th, 2012 09:21 PM #12*blacksheep
Yung 50km na sinabi ko purely city driving po yun "edsa" from monumento to taguig ang byahe ko... Ano po experiences na sira nyo dyan sa 1.5 na city? brand new mo ba cya binili? yung maintenance nya papano pa share nman ng experiences... Thank you
-
March 25th, 2012 09:34 PM #13
renzo_d10 po handle ko
The City's not mine, it was my friend's. Nahiram ko lang siya for 2 weeks kasi kulang kami ng kotse dito sa bahay nung Christmas. As per him, yung City wala pa rin sira up to now. Matibay pa rin.
Meron kami Honda Civic 1.8V, compared sa Corolla namin mahal siya i-maintain sa CASA. And most likely wala ka makukuha discounts pag bumili. Affordability of parts, hindi rin siya nakakatuwa. Nung nasira yung engine support at tensioner nung Civic namin last year, 21k all in all ang binayad ipagawa sa CASA samantalang nung nasira yung engine support ng Corolla namin (although yung bigbody pa 'to) 8k lang yung OEM.
Both brands are reliable, I can attest to that. Ang maganda lang nga sa Vios, kapag nasiraan ka (knock on wood) kahit sinong auto shop gamay ang Vios, while yung City medyo doubtful ako.
Marami na akong Vios na nasasakyan, taxi usually. Tinatanong ko rin paminsan kung gaano siya kadali i-maintain which is according sakanila it's relatively easy. Pero syempre, knowing them palit lang yan ng palit without ensuring the product. But that's ok. There are lots of shops which carries Vios parts aside from CASA.
Sabi mo 5 years mo lang naman yan gagamitin, so it's safe to own both. It all boils down to which will be cheaper. The Vios wins here. Hindi siya exciting to own, obvious. Pero for a daily beater, it will do good. Meron ako friend, 70k kms na yung Vios nila. Still working fine as if brand new.
Eto lang tandaan mo, don't miss on PMS. I don't care kung saan mo siya ipapagawa, CASA or not. Huwag ka lang magmimiss ng oil change and what not. There's a reason behind the 5k kms interval, so might as well follow it. Ano naman yung magpa-tune up ka every 5k na less than 2k pesos lang naman.
-
April 3rd, 2012 12:54 PM #14
Isa pang advantage para sa Vios ..
Bumili din yung pinsan ko ng Vios, nung nakita at nagandahan sa Vios ng asawa ko. Isang gabi galing ng party,lumabas sa parking lot at nakita flat yung gulong nya. Babae, hindi kaya magpalit ng gulong, ayaw madumihan, ginawa nagpatulong sa security ng parking lot. Yun pala, pati reserve tyre nya flat din!
Ang ginawa, nag para ng Vios na taxi, hiniram yung sparetyre, and nagpasama sa vulcanizing shop!Last edited by lowslowbenz; April 3rd, 2012 at 12:56 PM.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2012
- Posts
- 35
August 26th, 2012 08:48 AM #15Good day sir. Parehong pareho tyo ng problema, Tagal din nmin namili till we end up buying city 1.3mt. In my part gusto ko vios yun nga accdg sa mga idol forumeers natin e easy to mentain. Ok tlga fc efficiency. Mas matipid pa ata sya sa city e. sa xp ko kse pag nagpakarga ako 300 nakaka rating ako ako sa los baños may sobra pang onti. Mas maliit nga lng ang compartment nya vs sa city, pro pakiramdam ko e mas malaki ang interior space nya vs sa city. Marami din kse discount at promo ang toyota na tlgang nakakapag enganyo sakin na piliin un. Yun nga lng vios is very common sa kalsada plus d taxi image, yun ang inayawan ng misis ko. Isa pang ayaw nya e mahirap timplahin ang gas/clutch ng vios vs city. Then we went to honda. Lookwise mas astig tlga city. Being a family car we need a big compartment, city answers this. Tnest drive ni misis gustong gusto nya idrive kse madali sya timplahin. Then she decided na un na ang kukunin nmin. Plagay ko nman any new car will serve u best tlga. Mag test drive ka. That is really a big help on deciding. Magastos tlga magsasakyan. Kaakibat na yan sa pag bili mo. You just have to accept. Kya dpat mag decide ka kung ano tlga gusto mo vios man o city o jazz. Ang mahalaga e maging masaya ka kahit magastos. Kase iba ang pakiramdam na khit nagagastusan ka e masaya ka nman d ba. Re fc pla ng city nmin umabot sya ng 18km/l highway ang city w/o trafic. Pro pag mejo trafic e 15.6km/l. Dedepene din nman sa driving habit mo un. D ko pa sya nattry na pure city driving e.
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines