Palagay ko okey pa yang temperature sender mo. Yang radiator mo was bound to crack na talaga, lumulutong yung plastic parts (stress points) nyan habang tumatagal. Nagyari na sa akin yan with a 13y.o. factory installed radiator. Yung vitara ng cousin ko nayari din nyan.

Luckily, di naman na-damage cylinder heads namin nag palit lang kami ng radiator. Syempre hinto kami agad, luwa lahat mata ng mga taong dumadan pero ok lang, kantyawan na lang kami.

Well, while you are still looking if your head has been damaged, at kailangang gamitin mo talaga yang car mo, I think wag mo munang ilagay yung thermostat, at least tuloy tuloy flow or supply ng coolant mo sa engine.

Una di kaagad tataas temp mo ikalawa, mas magandang i-test kung me tama head pag malamig pa makina. Ganito gawin mo, while the engine is dead cold, fill the radiator up to its neck, leave the radiatir cap out, start the engine.

Pag me tama head mo bubulwak agad coolant kahit cold pa engine lalo na pag medyo tinaas mo idle. Ibalik mo cap, me bula kanamang makikita sa reservoir which if you continue running you engine at higher rev mapupuno yang reservoir at tatapon na tubig sa vent nya.

Pag okey ang head mo, balik mo na thermostat valve mo. Pa-tune up mo narin engine mo di naman ata normal na gumapang ka uphill unless napakatarik yung inaakyat mo at lahat halos ng sasakyang dumadaan dyan ay parang pagong ang usad.

Pero ingat ka sa mga SIRANIKO, pwede i-post mo muna details ng problema engine mo dto kung meron man.

Cheers po.