New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 5 of 5
  1. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #1
    madami ito sa youtube pero wala ako magawa e kaya hayaan nyo nako mga kaibigan.

    Ang problema netong clutch ko e dahil hindi ko naagapan. sa dinami dami ng inikot e syempre napupudpod hanggang sa lumaki yung gap ng clutch sa pulley. ang kadalasan (daw) na gap neto ay 0.3 - 0.8 mm. yung nasukat ko dito bago ko tinanggal e 2.0 mm....

    ayon sa Sanden compressor service guide, kung lampas 1.3 mm ay mahihirapan nang kumagat ang clutch sa pulley lalu na kung mainit.

    ang unit na ito ay Sanden SD7H15

    Basic handtools lang atsaka isang simpleng puller lang kelangan.

    una, tanggalin ang lock nut (may nylon threads ito).. pero kelangan mong iengage ang clutch sa pulley sa pamamagitan ng pagkonekta ng field coil direcho sa battery positive. mahina lamang ang pihit ng nut kaya madali itong matanggal.
    [IMG][/IMG][URL=http://s1101.photobucket.com/user/mikedulds/media/1.jpg.html][/IMG]

    pagkatapos ay hugutin ang clutch. sa aking pagkakaalam, dalawang klase ang clutch. either spline shaft or keyed shaft (yung de kunya). kung de spline, dalawang screwdriver lamang ang kelangan para masikwat ang clutch. kung "keyed" (gaya netong sa akin), kelangan mo ng puller. huwag nang pilitin ng screwdriver dahil baka mabingkong mo ang pulley. take note mahinang bakal lang itong clutch dahil cast steel lang ito. eto gumawa ako ng simpleng puller gamit ang flat bar atsaka mga turnilyo.
    [IMG][/IMG]

    eto ang pagkakalagay sa clutch. itraha yung tatlong outer bolts. tapos yung center bolt ang pihitin para matanggal ang clutch.
    [IMG][/IMG]

    eto yung damage sa clutch ng compressor ko. kung mapapansin nyo e putol yung isang paa. kung naputol ang isang paa e off center na yung kagat ng clutch sa pulley. yung red arrows ay ipinapakita yung power flow galing sa pulley papunta sa gitna kung nasaan yung shaft ng compressor.
    [IMG][/IMG]

  2. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #2
    ang mahal din pala ng clutch assembly (kasama ang pulley at field coil). nasa 3.5k hanggang 5k pesoses. atsaka walang ibinebenta palang brand new na clutch lamang. assembly lahat ang nabibili.

    eto naman yung damage dahil sa matinding init. nagii-spark pa nga tong clutch tuwing nageengage dahil sa laki ng gap. take note din yung spacer shim (washer) na nakakabit sa shaft ng pulley. depende sa kalalabasan na gap. maaring magdaragdag ka ng shim o magtatanggal para makuha yung dapat na gap sa pagitan ng clutch at pulley.
    [IMG][/IMG]

    buti may nahanap akong surplus galing sa sanden SD7V na kaparehas. yung naunang nakuha ko e hindi pupwede dahil walang stopper plate sa harap. actually medyo bingkong ang isang parte ng nakuha kong 2nd hand na pyesa pero pupwede na muna. pansamantagal.
    [IMG][/IMG]

    sa paglagay ng pamalit na clutch e basahin mo na lang ng pabalik itong thread.

    kung mahirap itulak sa shaft, pokpokin (hindi yung iniisip mo) mo ng banayad ang clutch hanggang sa may magpakita na thread sa shaft. tapos saka mo ipihit ngayon yung nut. habang pinipihit mo yung nut e tinutulak na rin nya yung clutch. ayun.

    tapos icheck mo yung gap. tandaan, nasa 0.3 hanggang 0.8 mm (minsan 0.6 mm) ang gap. kung kulang o sobra, no choice kung tanggalin uli yung clutch at magdagdag o magbawas ng shim.

    ayun, pwede ka na magpalamig ng beer.

  3. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #3
    ang isa pa palang problema ng AC ko dati e hindi nageengage ang clutch lalu na kung napakainit ang panahon at nakatigil ang sasakyan. pero kapag tinutulak ko ang clutch e nageengage naman sa pulley.

  4. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    53,883
    #4
    Quote Originally Posted by miked View Post
    ang isa pa palang problema ng AC ko dati e hindi nageengage ang clutch lalu na kung napakainit ang panahon at nakatigil ang sasakyan. pero kapag tinutulak ko ang clutch e nageengage naman sa pulley.
    nung nagpa-palit ako ng clutch assembly sa banawe, 2 years na yata... ang tanda ko'y hindi umabot nang ganyang halaga, at kasama na ang labor doon. wala pa yatang 2K ang saking innova... asan ba yung resibo...?

  5. Join Date
    May 2009
    Posts
    1,990
    #5
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    nung nagpa-palit ako ng clutch assembly sa banawe, 2 years na yata... ang tanda ko'y hindi umabot nang ganyang halaga, at kasama na ang labor doon. wala pa yatang 2K ang saking innova... asan ba yung resibo...?
    yan nga din po ang ipinagtataka ko. plus 5k na lang kamo e isang brand new compressor na.

    pero buti matyaga akong maghanap ng surplus.

Tags for this Thread

How-to:  AC Compressor Clutch Replacement DIY.....