Quote Originally Posted by niky View Post

*suv: Maraming possible causes: puwedeng maluwag yung hoses o may pinhole na leak na di tumutulo unless high rpms. Puwedeng iniinom ng makina at high rpms (tignan mo kung may puting usok...) o may problem sa water pump.

Kung may tagas na ang head-gasket mo, may chance na pumupunta ang coolant sa cylinder. Puwede mong i-check ito sa pagbukas ng radiator cap (habang malamig... huwag gawin pag umaandar na ang makina... ) at pag-re-rev ng makina... kung bumubula, possible sign yun na may problem ka sa head gasket.
Napansin ko parang may white na usok pag gabi sa muffler. Pero bakit hindi nagoverheat? Nauubusan lang ng tubig every 2 weeks ata or 1 month.

Pag water pump naman problem eh ano symptoms?

Pag yung kagaya ng situation sa akin kailangan ko na papalitan ng hose or pasikipan?