Results 1 to 9 of 9
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 179
June 22nd, 2014 12:34 PM #1Gud day mga sir, matagal kasi hindi nagamit un aircon ng sasakyan, umiingay un compressor once na buksan na ang aircon, parang tik tik na sounds. Pinacheck ko ito sabi kailangan daw paltan ang comoressor, condenser and evaporator. So umalis nalang ako para ipatingin sa iba dahil di man lang nila trinay lagyan ng freon.
Sira at palitin na ba ang compressor once na umingay ito? Thanks.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2014
- Posts
- 72
June 22nd, 2014 08:52 PM #2
-
June 23rd, 2014 04:27 AM #3
Malamang kelangan nang palitan compressor mo sir kahit may lamig pa pag nalagyan ng freon. Reason kasi nila ay para maiwasan ang pagkalat ng mga maliliit na debris na gawa ng defective compressor. Usually suggestion ng AC technician na palitan ang condenser at evaporator pero pacheck mo muna yung filter-drier nya pag naBy pass na ito ng mga debris na galing sa compressor. If ok pa yung filter-drier, kahit hindi na palitan ang condenser. Evaporator ay malayong maapektuhan gawa ng dadaan muna ang mga debris sa filter-drier, then sa condenser. Just replaced mine in my Outlander 3 months ago dahil sa minor grinding noise pag naka-on ang AC, suggestion ng casa palitan din lahat (condenser, evaporator, filter-drier, expansion valve). Pinatingin ko sa labas then compressor lang pinalitan kasi okay pa ang filter-drier nya.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jul 2013
- Posts
- 2,450
June 23rd, 2014 09:46 AM #4Ganyan din yung sa amin dati. Yung tiktik sound parang electrical ang nature at hindi mechanical.
Ang suggestion ko wag ka na bumalik doon sa aircon shop na yun. Compressor, evaporator at condenser ay papalitan? Hindi pwede i-test muna? Halos ayan na yung aircon system eh.
Since matagal hindi nagamit have them check the compressor using the pressure gauge they have. Have them check the evaporator and condenser for leaks also. Depending of the location of the leak if there is any, these can be repaired.
-
June 23rd, 2014 10:39 AM #5
what do you mean, matagal hinde nagamit? gaano katagal? bakit hinde ginagamit yun A/C meron na ba sira talaga before?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2013
- Posts
- 28
June 23rd, 2014 10:39 AM #6Gaano katagal bago mo pinalitan yung compressor since nag-start yung grinding noise sir? I have the same problem, pag medyo matagal kong hindi pinaandar yung akin, may grinding/scratching noise sa start pag binuksan ko yung aircon. Pero pag matagal ng naandar (say 5 minutes), nawawala na siya. Hindi ma-pinpoint ng casa kung anong problema, pero iniwan ko sa kanila ng overnight mga 3 times na to check kung san naggagaling yung ingay.
-
June 24th, 2014 04:26 AM #7
Siguro mga 3 months din bago ko pinapalitan sir. Initially ganyan rin and hindi naririnig yung noise nya outside if hood was closed, as in minor grinding sound lang kaso I was alarmed nung sabi ng casa and outside garages na maaring madamay ang ibang AC components nya if lalala at eventually gagawa ng metal debris ang compressor and it will be scattered sa system. Kumbaga sipon pa lang, agapan na.
Posted via Tsikot Mobile App
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Oct 2009
- Posts
- 179
June 24th, 2014 04:28 PM #8Tunog bearing siya mga sir kapag naka on na ang aircon tsaka lang nagiingay, mag 1 year pa lang un sasakyan sakin since ng pagkakuha ko puro mechanical pa lang ang pinagawa ko, hinuli ko nalang po itong aircon pero since ng una kong pagkakuha maingay na ang compressor, pero medyo my lamig pa, hindi ko lang sure kung pinalagyan lang ng freon at sumingaw na, ang mali ko lang ay nasabi ko agad sa tumitingin na matagal na syang walang lamig. Ang test na ginagawa nya ay un may gauge na nakaconect sa host papuntang condenser ng naka bukas at rev ang engine. 3 cylinder daewoo tico ang car mga sir, sa jensen sa aurora ko dinala dahil magaling daw don gumawa.
-
As expected, in response to Tesla’s entry into the Philippines market, Ford will be bringing in the...
Tesla Philippines